Hinihikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at iba pang government agencies na huwag matakot na gumastos ng pondo para sa kinakailangang gamit at serbisyo ngayong pandemya.
Sa kanyang Talk to the People Address, paalala lamang ni Pangulong Duterte na dapat sundin ang patakaran ng pamahalaan sa procurement.
Wala aniyang dapat ikatakot sa paggamit ng pondo lalo na kung sa tama ito ginagamit.
Handa rin niyang ipagtanggol ang mga government officials basta naaayon sa batas ang kanilang mga transaksyon.
Ang mga government officials na planong bumili ay maaring magpadala sa kanya ng sulat para i-justify ang kanilang procurement plans.
Pinagsabihan din ni Pangulong Duterte si PhilHealth Chief Dante Gierran na huwag tipirin ang pondong nakalaan para tulungan nag mga tao ngayong pandemya.
Bago ito, ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa PhilHealth na palawakin ang kanilang health coverage para sa COVID-19 patients.