Paggamit ng hydroxychloroquine sa mga COVID-19 patient, sinuspendi na ng DOH

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na susunod sila sa payo ng World Health Organization (WHO) na nagpapatigil sa paggamit ng off-label drug na hydroxychloroquine sa mga pasyenteng mayroong COVID-19.

Ito ay matapos lumabas sa isang pag-aaral na maaari nitong pataasin ang tyansa ng pagkamatay ng isang taong uminom nito.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naglabas na ng kautusan ang kanilang proponent na nagpu-pull out at nagpapahinto sa paggamit ng hydroxychloroquine sa mga pasyente.


Gayunman, hindi pa aniya nila mailabas ang resulta ng pag-aaral ng Pilipinas dahil nasa clinical trial phase pa lamang ito.

Sa kabila nito, nilinaw din ng WHO na magpapatuloy ang solidarity trial ng ibang mga gamot na posibleng lunas sa COVID-19.

Facebook Comments