Paggamit ng iligal na droga noong kabataan, inamin ni Senator Pacquiao

649

Inamin ni Senator Manny Pacquiao na gumamit sya ng iligal na droga noong siya ay bata pa o walang muwang at walang alam sa batas pero hindi naman daw sya nalulong dito kaya agad niyang tinalikuran.

Kaugnay nito ay ipinunto ni Pacquiao, na sino ba ang walang nagawang kasalanan.

Paliwanag ni Pacquiao, lahat naman ay mayroong hindi magandang nakaraan sabay diin na humingi na siya ng tawad sa Diyos para sa kaniyang mga pagkakamali.


Kwento ni Pacquiao, mahirap ang kaniyang pinagdaanan kung saan namuhay siyang mag-isa at kinailangang maghanap buhay.

Giit ni Pacquiao, dahil mahirap siya at ignorante ay hindi niya batid ang tunay na layunin ng mga taong nakasalamuha niya kaya may mga nakapagsamantala sa mura niyang isipan.

Ikinatwiran pa ni Pacquiao na biktima lang ng pagkakataon ang mga gumagamit ng iligal na droga kaya dapat silang bigyan ng ikalawang tyansa habang dapat naman ikulong ang mga big time drug lord.



Facebook Comments