Paggamit ng Ivatan-inspired Cogon-Roofed Tricycle, Ibibida

Cauayan City, Isabela- Bibida ang Ivatan-inspired cogon roofed tricycle makaraan itong muling ilunsad ng Probinsya ng Batanes na bahagi ng kanilang transportasyon at turismo.

Matatandaang iniakda ito ni Board Member Vicenta V. Hidalgo at Milagros Juliet F. Abas, kung saan nakasaad dito ang tamang sukat, materyales at dekorasyon upang matiyak ang ligtas na pagsakay ng mga pasahero habang nailalarawan ang natatanging ganda ng pamanang kultura ng mga Ivatan.

Kaugnay dito, ang inilatag na sukat ng tricycle ay hindi tataas sa 3 talampakan ang lapad, 4 na talampakan ang haba at 20 pulgadang taas habang ang mga gagamiting materyales ay ang cogon-reeds, local wood at kawayan.


Kaakibat rin nito ang dapat na pagkakaroon ng basurahan at lalagyan ng inumin subalit kailangang tiyakin na mga Ivatan-inspired rin ang mga materyales na gagamitin at ang pagbabawal na pagkakabit ng hindi angkop sa kultura ng mga katutubong Ivatan.

Binigyan naman ng lokal na pamahalaan ng anim (6) na buwan ang mga tricycle operators para baguhin ang disenyo na angkop sa nakasaad sa ordinansa.

Malaki naman ang naging papel ng ganitong uri ng transportasyon sa mga Ivatan maging sa turismo ng lalawigan.

Facebook Comments