Iginiit ng World Health Organization (WHO) na dapat magsagawa muna ng clinical trials bago sabihing nakakagamot laban sa COVID-19 ang anti-parasitic drug na Ivermectin.
Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, ang paggamit ng Ivermectin bilang prophylactic o therapeutic agent ay kailangang i-evaluate sa ilalim ng matibay na clinical trials.
Dapat munang patunayan na may bisa ang gamot bago ito gamitin.
Kinumpirma naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mayroong inihaing application para sa compassionate use ng Ivermectin sa Food and Drug Administration (FDA).
Facebook Comments