PAGGAMIT NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA AT SOLUSYON, ISINUSULONG PARA SA PAGPAPALAKAS NG SEKTOR NG PANGISDAAN SA LA UNION

Isinusulong ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Ilocos Region ang paggamit ng makabagong teknolohiya at solusyon upang mapalakas ang sektor ng pangisdaan sa La Union.

Sa 68th Fishery Industry Forum para sa mga stakeholder, tampok ang mga programa at inobasyon na makapagpapabuti sa kabuhayan ng mga mangingisda at magpapalago sa blue economy ng rehiyon.

Kasama sa forum ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, eksperto sa teknolohiya, at mga aquapreneur upang magbahagi ng kaalaman at bumuo ng solusyon para sa sustenableng pangisdaan at aquaculture.

Bilang bahagi ng agarang suporta, namigay ang BFAR ng 218,000 tilapia at ulang fingerlings na nagkakahalaga ng ₱91,550 sa mga benepisyaryo sa Caba, Naguilian, Pugo, Bangar, San Gabriel, at Bacnotan.

Nakatanggap din ang apat na mangingisdang asosasyon sa Pugo, Burgos, at Bagulin ng stainless tables at cooker boxes mula sa SAAD program, habang ang Narvacan Fisherfolk Association sa Sto. Tomas ay nakatanggap ng ₱250,000 para sa pagpapaganda ng kanilang cooking shed.

Inaasahan ng BFAR sa pamamagitan ng mga inisyatibang ito, mas mapapalago ang kabuhayan ng mga mangingisda at mas mapapabuti ang sektor ng pangisdaan sa naturang lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments