Pinayagan ng pamahalaan na makilahok sa Solidarity Trials ng World Health Organization (WHO) ang 260 pasyente mula sa 24 na ospital sa bansa.
Layunin ng Solidarity Trial na makahanap ng lunas para sa COVID-19.
Sa ika-12 report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, inaprubahan ng Department of Science and Technology (DOST) ang ₱9.8 million project para sa clinical trials sa paggamit ng high-dose melatonin bilang supplementary treatment para sa mga COVID-19 patient.
Ang hakbang na ito ay kasunod ng matagumpay na paggamit ng melatonin sa mga pasyenteng may pneumonia sa Manila Doctors’ Hospital.
Ang proyektong ito ay pangungunahan ng team ng mga doctor mula sa Manila Doctors’ Hospital sa loob ng apat na buwan kung saan isasailalim sa test ang nasa 350 pasyente.
Ang magiging resulta ng proyekto ay inaasahang makakapag-ambag sa national at international guidelines sa life-saving drugs at therapy.