Paggamit ng mga Euro compliant na sasakyan, dapat nang gawing prayoridad ng gobyerno

Manila, Philippines – Iginiit ng climate change advocate na si Heherson Alvarez na gawing prayoridad ng gobyerno ang paggamit na ng Euro 5 compliant na mga pampublikong sasakyan.

Sa isang forum sa Quezon City, sinabi ni Alvarez na siya ring Commissioner ng Climate Change Commission (CCC) na  pumapangalawa ang transport sector sa pangunahing contributor ng lumalalang polusyon.

Ang polusyon aniya na galing sa karbon ay delikado sa tao dahil sa idudulot nitong iba’t-ibang sakit sa katawan.


Ani Alvarez, hindi dapat maging isyu ang gastusin sa isang programa na magliligtas naman ng buhay dahil maaari namang maglagay ng subsidy system dito ang gobyerno.

Ang Liga ng Transportasyon at Operator sa Pilipinas o LTOP ang unang transport group na yumakap sa mga Euro 5 diesel engine compliant na mga sasakyan bilang suporta sa PUV Modernization Program ng administrasyong Duterte.

Mayroon ng 30 na mga Euro 5 compliant na bus ang LTOP na maaaring pakinabangan ng riding public.

Ayon kay LTOP president Lando Marquez, bago matapos ang 2019, aabot sa 5,000 units ng Euro 5 compliant na buses ang darating sa bansa at asahang bibiyahe sa mga kalsada.

Facebook Comments