Paggamit ng mga paaralan bilang vaccination sites, magpapatuloy basta’t hindi sa loob ng classroom – DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na magpapatuloy ang paggamit ng mga paaralan bilang vaccination sites basta’t hindi ito gagawin sa loob ng mga silid-aralan.

Kasunod ito ng inilabas na Department of Education (DepEd) Order No. 37 na nagsasaad na ang mga paaralan ay hindi na maaring gamiting bilang quarantine o isolation facilities at vaccination centers.

Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, ang mga paaralan ay ginamit bilang vaccination sites at quarantine o isolation facility dahil wala pang klase noon.


Aniya, layunin lamang ng Department Order na magamit sa ibang bagay ang mga eskwelahan pero hindi hinahadlangan ang pag-set-up ng mga lugar ng pagbabakuna sa loob ng paaralan.

Batay sa DOH, umabot na sa 76 million na mga Pilipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19 hanggang nitong September 1.

Katumbas ito ng 6.8 million na senior citizens, 9.9 million na adolescents at 4.7 million na mga bata.

Facebook Comments