Paggamit ng Motorsiklo, Pinapayagan na sa Bayan ng Alcala

Cauayan City, Isabela- Pinapayagan na ang paggamit ng motorsiklo bilang transportasyon sa bayan ng alcala, Cagayan sa kabila ng pagsasailalim sa General Community Quarantine sa rehiyon dos.

Ito ay batay sa ipinalabas na Executive Order No. 21s 2020 na pirmado ni Municipal Mayor Cristina Antonio ng Alcala, Cagayan

Nakasaad sa EO na ang paggamit ng motorsiklo ay para sa immediate family member ng drayber gaya ng anak at asawa subalit ito ay para lamang sa bawat household.


Ipapatupad pa rin ang isang (1) sakay sa motorsiklo habang kinakailangang sundin ang ‘NO HELMET AND FACEMASK, NO TRAVEL POLICY’ sa bayan.

Sa kabila nito, hinihikayat ang publiko na sundin ang alituntunin para makaiwas sa posibleng pagkalat ng nakamamatay na sakit.

Facebook Comments