Wanted Person sa Kasong Panggagahasa, Timbog

Cauayan City, Isabela- Arestado sa ikinasang Manhunt Operation ang Top 1 Most Wanted Person (Provincial Level-Intel-List) sa Brgy. Libag Norte, Tuguegarao City, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ang akusado na si Anthony Baggayan, 48-anyos, may asawa, isang helper at kasalukuyang naninirahan sa nasabing lugar.

Isinilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest nito na ipinalabas ni kagalang-galang hukom Lyliha Abella-Aquino ng RTC Br. 4 Tuguegarao City para sa kasong Panggagahasa sa ilalim ng Sec. 5(b) ng RA 7610.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P200,000.00.

Nananatili naman sa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa disposisyon.

Facebook Comments