Paggamit ng oral antiviral drug na Paxlovid bilang gamot sa severe COVID-19 cases, inaprubahan na ng US-FDA

Inaprubahan na ng United States Food and Drug Administration ang paggamit ng antiviral pill na Paxlovid bilang gamot kontra COVID-19.

Ang Paxlovid ay gamot na ginawa ng Pfizer na maaaring inumin dalawang beses kada araw kasama ng ikalawang gamot na tinatawag na Ritonavir na isang generic antiviral drug.

Ayon kay FDA Center for Drug Evaluation and Research Director Dr. Patrizia Cavazzoni, isa itong major step para sa paglaban sa COVID-19 pandemic.


Lumalabas na epektibo ang Paxlovid sa mga severe cases at naiiwasan din ang posibleng pagkasawi pa ng pasyente.

Facebook Comments