Paggamit ng Pfizer sa mga edad 12 hanggang 15, pinayagan na ng US; Sinopharm Vaccine, nagpasa na rin ng EUA

Posible nang payagan sa mga edad na 12 hanggang 15 taong gulang ang bakunang gawa ng American firm Pfizer.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, nakatanggap sila ng ulat na inaprubahan na ng Pfizer ang Emergency Use Authorization (EUA) ng kanilang bakuna para sa mga edad 12 hanggang 15.

Dahil dito, inaasahang sa susunod na isang linggo ay maaari nang maglabas ng kautusan ang FDA na magpapahintulot na payagan ito sa nasabing mga edad.


Kasabay nito, nagpahayag naman ng suporta ang ilang eksperto mula sa FDA para sa pag-amyenda.

Sa ngayon, paliwanag pa ni Domingo, maliban sa Pfizer nagpasa na rin ng dokumento ang Chinses-made na Sinopharm vaccine para sa kanilang Emergency Use Authority.

Matatandaang batay survey ng Social Weather Stations (SWS) mas maraming Pilipino ang tiwala sa mga bakunang gawa sa United States laban sa COVID-19.

Lumabas din sa survey na 63% ang nagsabing nais nilang magmula ang bakuna sa US habang 19% naman sa China.

Facebook Comments