Paggamit ng pondo ng inaprubahang Bayanihan 2 para sa 2022 elections, pinangangambahan ng isang Kongresista

Nangangamba si Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na posibleng magamit ang pondo sa inaprubahang Bayanihan 2 para sa dagdag na kapangyarihan ng Malakanyang para sa nalalapit na 2022 elections.

Ayon kay Zarate, dapat munang isapubliko ang pinagka-gastusan o mga pinaglaanan sa 3.7 trilyong pisong 2020 National Budget bago ipagkatiwala ang Bayanihan 2 na may 162 bilyong pisong pondo.

Hindi kasi aniya dapat ituring ang Bayanihan 2 na “recovery” fund dahil hindi pa gumagaling ang bansa sa naunang Bayanihan to Heal as One Act.


Kasabay nito, kinuwestiyon din ng kongresista ang pag-apruba sa isang panibagong bersyon ng panukala gayong hindi naman naging epektibo at nagamit sa dapat na paggamitan ang Bayanihan 1.

Hindi rin magagarantiya ng Bayanihan 2 ang full funding para sa mass testing ng mga vulnerable sectors kabilang ang mga healthcare frontliners at mga taong nagkaroon ng contact sa mga may COVID-19.

Facebook Comments