Naniniwala si Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na darating ang panahon na hindi na mapipigilan pa ang pag-gamit ng publiko ng anti-parasitic drug na Ivermectin bilang gamot sa COVID-19.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Defensor na hindi naman dahil sa kanilang pagpupumilit sa Ivermectin nagdedesisyon ang mga tao kung iinom sila nito.
Paliwanag ni Defensor, marami na rin kasing sumubok ng nasabing gamot na tinamaan ng COVID-19 pero hindi na umabot pa sa malalang kondisyon.
Una nang nanawagan si Health Secretary Francisco Duque III na hintayin muna ang resulta ng clinical trials ng Department of Science and Technology (DOST) bago ito ipagamit sa publiko bilang panlaban sa COVID-19.
Facebook Comments