Pagkasunog ng MV Titan 8, naagapan sana kung may sapat na kagamitan – BFP

153

Aminado ang Bureau of Fire Protection na naagapan sana ang nangyaring sunog ng isang barge na MV Titan 8 sa bahagi ng Delpan bridge kung may sapat silang kagamitan.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni BFP-Manila Senior Superintendent Gerrandie Agonos na maaaring hindi na kumalat pa ang sunog sa mga kabahayan lalo na kung may mga gamit sila kagaya ng mga fireboat at helicopters.


Ipinunto ni Agonos na malaking bagay sana ang mga kagamitan kagaya ng fireboats at aerial equipments kagaya ng helicopters lalo na’t isa itong complex na sunog.

Samantala, isang sunog na bangkay ang natagpuan kanina ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at inaalam na ngayon ang pagkakakilanlan ng biktima at kung ito ang nawawalang tripulante ng natupok na barge.

Facebook Comments