Paggamit ng rapid test kits, pinamamadali na!

Nanawagan na rin si Assistant Majority Leader Niña Taduran sa Department of Health (DOH) na bilisan ang pagapruba ng ahensya sa paggamit ng rapid test kits bukod sa Polymerase Chain Reaction (PCR) kits.

Ito ay para makapagsagawa na ng mas malawak na testing sa mga indibidwal na posibleng nagtataglay ng sintomas na COVID-19.

Tinukoy ni Taduran na nakatulong sa South Korea para mapababa ang bilang ng mga kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.


Paliwanag pa ng Lady solon, ang mass testing ay makakatulong sa mga frontliners na matukoy agad ang mga taong dapat na i-isolate upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Sinabi pa ng kongresista na nakakahiya naman na ang mga United Kingdom researchers ay nakapag-develop ng COVID-19 detection kit gamit ang ating teknolohiya ngunit ang na-develop na rapid test kit ng mga siyentista sa bansa ay hindi pa rin pinapagamit ng DOH sa kabila ng pagapruba dito ng Food and Drug Administration (FDA).

Facebook Comments