Paggamit ng renewable energy tataasan sa 2.52 percent sa susunod na taon ayon sa Malacañang

Mula sa 1 percent tataasan ng gobyerno sa 2.52 percent ang paggamit ng renewable energy sa bansa.

Ito ang inihayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kaugnay sa proyekto ng Marcos administration na makapagbigay ng sapat at malinis na enerhiya.

Kaya ayon kay Secretary Angeles, sa bisa ng Department Circular No. 2022-09-0030 ng Department of Energy (DOE), tataasan sa 2023 ang paggamit ng renewable energy sa bansa sa 2.52% mula 1%.


Sa pamamagitan nito ay mahihikayat ang mga mamumuhunan sa bansa na gumamit ng sariling enerhiya.

Sinabi pa ng kalihim na layunin ng DOE na unti-unting mapataas ang enerhiyang ginagamit na galing sa renewable energy katulad ng solar, wind at hydro energy.

Ang pagtaas na ito ay kabilang sa Renewable Portfolio Standards (RPS) na magpapataas sa paggamit ng renewable energy na pwedeng gamitin bilang kuryente.

Kaya naman ipinag-utos na ng gobyerno sa mga supplier ng kuryente na maglaan sa kanilang power supply ng galing sa renewable energy.

Facebook Comments