Shabu at marijuana, nasabat ng PNP sa magkahiwalay na operasyon

39

Umaabot sa P2.1 million halaga ng shabu at marijuana ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Cebu at Kalinga province.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Brig. General Roderick Augustus Alba sa Tabuk City, Kalinga nasabat ng mga awtoridad ang 16 bricks ng marijuana sa isang Rolando Appag Yag-ao na nagkakahalaga ng P1.8 million.

Samantala, sa Cebu naman 2 drug suspect na itinuturing na high value individuals ang nadakip.


Kinilala ang mga ito na sina Isagani Rafayla, at Jonamil Abella kung saan nakumpiska sa mga ito ang shabu na nasa higit P340,000 ang halaga.

Ang mga naaresto ay nakatakdang sampahan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments