Isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Norte ang paggamit ng rooftop solar energy system sa lalawigan bilang bahagi ng pagpapalawak ng paggamit ng renewable energy at sustainable power solutions.
Kahapon, Marso 16, isagawa ang ceremonial signing ng Memorandum of Agreement para sa Ilocos Norte Solar Rooftop Campaign Project na naglalayong hikayatin ang paggamit ng rooftop solar energy system sa iba’t ibang pasilidad ng pamahalaan at maging sa mga komunidad sa buong lalawigan.
Pinangunahan ang kampanya sa tulong ng isang pribadong korporasyon na susuporta sa layunin ng pamahalaang panlalawigan na palawakin ang paggamit ng mas malinis at episyenteng pinagkukunan ng enerhiya.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, bahagi ito ng patuloy na hakbang upang mapalakas ang pangangalaga sa kalikasan, mapabuti ang energy efficiency, at matiyak ang pangmatagalang seguridad sa suplay ng kuryente sa Ilocos Norte. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







