Inatasan ni Pangulong Rodrido Duterte si Transportation Secretary Arthur Tugade na tiyaking magiging operational sa lalong madaling panahon ang Sangley Airbase sa Cavite.
Ito ang nakikitang solusyon ng pangulo upang maiwasan na ang mga cancelled at delayed flights sa Ninoy Aquino International Airport.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, base sa isinagawang presentasyon ni Tugade sa 38th Cabinet Meeting kagabi sa Malacañang, ang Sangley Airbase ang nakikitang alternatibo para sa mga General Aviation at Domestic Flights.
Dismayado kasi ang pangulo nang magsagawa ng surprise visit sa NAIA kahapon dahil sa nangyaring mga cancelled at delayed flights sa NAIA.
Bunsod nito, nagpahiwatig ang pangulo nang balasahin sa mga tauhan ng NAIA habang ipapahawak ang airport security sa Militar o Civilian Force.
Sa ngayon ay nagsagawa na ang DOTr ng testing ng biyahe ng mga ferry mula sa Mall of Asia sa Pasay City patungo sa Sangley sa loob lamang ng 18 hanggang 24 na minuto.