Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbubukas ng Sangley Airport sa Cavite para mailipat ang mga domestic flights mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, batay sa orihinal na plano ng Department of Transportation (DOTr) sa December pa sana bubuksan ang operasyon ng Sangley Airport.
Pero hindi na aniya ito mahintay ng Pangulo.
Gayunman, sabi ni Panelo, nakasalalay kay DOTr Secretary Arthur Tugade kung kailan bubuksan ang bagong alternatibong airport para sa domestic flights.
Sa ngayon ay nagsagawa na ang DOTr ng testing ng biyahe ng mga ferry mula sa Mall of Asia sa Pasay City patungo sa Sangley sa loob lamang ng 18 hanggang 24 na minuto.
Facebook Comments