Paggamit ng StaySafe app sa PUVs, mandatory na – LTFRB

Kinakailangan nang gumamit ang mga pasahero ng StaySafe.ph mobile application para sa contact tracing sa lahat ng public utility vehicles (PUVs).

Batay sa Memorandum Circular (MC) ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang lahat ng PUV operators ay minamandatong gumamit ng StaySafe.ph app mula sa dating manu-manong pagpi-fill up ng contact tracing forms.

Ang direktibang ito ay alinsunod sa kautusang inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung saan ang lahat ng public transportation units ay kailangang magkaroon ng Safety Seal, kabilang ang paggamit ng StaySafe application.


Nakasaad sa memoranda, binibigyan ang PUV operators ng hanggang 30 araw para tumalima sa direktiba.

Facebook Comments