Paggamit ng ToothPick sa Pagtanggal ng ‘Tinga’ sa Ngipin, Posibleng Makaimpeksyon

*Cauayan City, Isabela*-Nagpaalala sa publiko ang Philippine Dental Association na alagaan ang mga ngipin upang maiwasan ang ilang impeksyon dito.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng Philippine Oral Month sa buong bansa.

Ayon kay Dra. Belinda Madriaga, Dentist Head ng Cauayan District Hospital, ugaliin pa rin ang paglilinis ng ngipin tatlong beses kada araw para manatiling healthy ang mga ngipin.


Sinabi pa ni Dra Madriaga na magkaroon dapat ng regular check up sa mga dentista para matiyak na makakaiwas sa malalang sitwasyon ng ngipin.

Kaugnay nito,mahigpit aniya nilang pinagbabawal ang paggamit ng toothpick bilang alternatibong paraan sa pagtanggal ng mga tinga sa ngipin dahil posibleng maimpeksyon ang mga ito kaya’t kanilang ipinapayo sa publiko ang paggamit ng ‘dental floss’ para masigurong maaalis lahat ngf tinga sa ngipin.

Tiyakin din umano na mapapalitan ang toothbrush na ginagamit kasa ikatlong buwan dahil posibleng pagmulan din ng tinatawag na ‘badbreath’

Nagpaalala pa ito sa publiko para machieve ang healthy gums ay umiwas sa mga sigarilyo dahil sanhi ito ng pangingitim ng galagid.

Facebook Comments