Paggamit ng UV lamps, hindi inirerekomenda ng DOH

Hindi inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng UV lamps na nabibili online, portable ionizing air filters, foot bath, at sanitation tents.

Ayon sa DOH, hindi epektibo laban sa COVID-19 ang mga ito.

Bukod sa pagsunod sa minimum health standards, ipinapayo ng mga doktor na kapag umuwi sa bahay, itapon agad ang suot na face mask.

Ipinapayo rin ang agad na pagpapalit ng damit, pagligo, at pagsuot ng mask sa loob ng bahay kung may kasamang delikadong mahahawaan ng sakit.

Sinang-ayunan naman ang payo ng BioRisk Association of the Philippines (BRAP) kung saan ayon sa grupo ay maraming ibang epektibong paraan para ma-disinfect ang paligid.

Hindi rin umano naniniwala ang BRAP sa personal air purifiers.

Facebook Comments