P1-M gastos sa catering ng DOH kahit virtual meeting, pinuna ng COA

Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang P1.08 million gastos sa catering ng Department of Health (DOH).

Ito ay para sa kanilang Region 6-Center for Health Development (CHD) office para sa virtual meetings, na hindi umano kailangan dahil ang mga kasali ay nasa kani-kanilang workstations.

Ayon sa COA, kasama ang catering services sa kabuuang halagang P557 milyon gastusin sa regional offices ng DOH na iregular, hindi kailangan, at kalabisan.


Iregular din anila ang paggasta ng P2.1 million na hazard pay para sa mga tauhan sa Region 7 na hindi naman physically present sa trabaho.

Sinabi naman ng COA na tinanggap ni Health Secretary Francisco Duque III ang rekomendasyon nilang sundin ng operating units ng DOH ang mga regulasyon para hindi magkaroon ng disallowance o pagbabalik ng pera.

Facebook Comments