Paggamit ng vape o e-cigarettes, ipinauubaya ng DOH sa mga LGU’s

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi kasama sa ipinatutupad na nationwide anti-smoking ban ang mga vape o electronic cigarettes.

Ayon kay Health Spokesperson, Asst. Sec. Eric Tayag – pinag-aaralan pa rin nila kung makatutulong ang e-cigarette para huminto ang isang tao sa paninigarilyo o ito ang nagiging daan para humantong sa tradisyunal na paninigarilyo.

Sa ngayon, ipinauubaya na muna ng DOH sa mga lokal na pamahalaan na gumawa ng mga ordinansa na nagbabawal sa vape.
DZXL558


Facebook Comments