Paggamit ng Virgin Coconut Oil bilang gamot sa COVID-19, kinilala na sa abroad

Binigyang-pagkilala na sa ibang bansa ang resulta ng clinical trial ng Pilipinas sa paggamit ng Virgin Coconut Oil (VCO) bilang gamot sa mga sintomas ng COVID-19.

Ayon kay Department of Science and Technology Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) Executive Director Dr. Jaime Montoya, nagpapatuloy na ang pag-aaral sa VCO at humihiling na sila ng suporta ng publiko.

Ani pa ni Montoya, kailangan ding ma-update ang aplikasyon ng VCO sa Food and Drug Administration (FDA) upang gamiting gamot.


Maituturing naman na malaking tulong ang paggamit ng VCO kapag napatunayan sa clinical trial na mabisa itong pagtulong sa paggamot sa COVID-19.

Ang VCO ay sariling-gawa ng mga Pilipino hango mula sa mga coconut plantations sa Pilipinas.

Facebook Comments