Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Councilor “Jong” Gapasin, mayroon itong inihaing Resolusyon na humihikayat sa publiko na tangkilikin ang ating Pambansang Wika at ito ay kapapasa lamang sa konseho.
Nakasaad sa kanyang inihaing Resolusyon ang paggamit ng Pambansang Wika sa kanilang sesyon ganundin sa lahat ng pakikipag-transaksyon.
Pinaliwanag nito na mahalagang gamitin ang ating sariling Wikang Tagalog sa pakikipag-usap o anumang transaksyon para lalong magkaintindihan.
Kaya naman hinihikayat nito ang lahat ng mga nasa tanggapan mapa-pribado o publiko man pangunahin na ang mga paaralan na gamitin at tangkilikin ang Wikang Filipino bilang pagsuporta at pakikiisa sa buwan ng Wika.
Nananawagan din ito sa mga kababayan na huwag walain o kalimutan ang mga nakaugaliang salita o Katutubong Wika. Nilinaw ni Gapasin na hindi mandatory ang paggamit ng salitang Tagalog mapa verbal man o sulat ay mas mainam pa rin aniya na makiisa sa pag-alala ngayong Buwan ng Wika.
Kaugnay nito ay sinabi ni IP Representative Gapasin na maganda ang nakikitang kalalabasan o impak nito sa komunidad kung na-eexercise ng bawat isa ang paggamit ng sariling wika dahil nagpapakita aniya ito na hindi maglalaho sa mga susunod na henerasyon.
Naniniwala naman si Gapasin na susuportahan din ng Alkalde ng Cauayan ang kanyang Resolusyon lalo na at naaayon ito sa 1987 na Saligang Batas at ipinapatupad din ito ng mga paaralan sa tuwing inaalala ang buwan ng Wika.