Paggamit sa Athletes’ Village sa New Clark City para i-quarantine ang mga Pinoy galing China, suportado ng isang Senador

Suportado ni Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go ang paggamit sa Athletes’ Village sa New Clark City sa Tarlac para sa quarantine ng mga Pilipino na ililikas mula sa Wuhan, China kung saan matindi ang pagkalat ng Novel Coronavirus.

Ayon kay Go, estratehiko ang lokasyon ng New Clark City para sa quarantine protocol dahil malapit ito sa Clark International Airport kaya madaling maididiretso ang mga Pinoy mula sa China.

Para kay Go, sa oras na magbigay ng Go signal ang China ay dapat maiuwi na sa bansa ang mga Pinoy sa lalong madaling panahon dahil kawawa sila kung matatagalan ang pananatili sa lugar kung saan pinakamataas ang kaso ng nCoV.


Kaugnay nito ay nanawagan naman si Go sa mamamayang Pilipino na huwag magpanic at sa halip ay makipagtulungan sa mga hakbang ng pamahalaan para proteksyunan ang sarili at pigilin ang pagkalat ng nCoV.

Facebook Comments