Pumayag na ang Professional Regulation Commission (PRC) na gamitin ang mga dentista sa bansa bilang dagdag sa bilang na vaccinators kontra COVID-19.
Pero ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr., kailangan munang magpalabas ng emergency order ang Department of Health (DOH).
Ito ay dahil maraming manpower ang kanilang ibibigay.
Matatandaang maliban dito ay nagkasundo ang Commission on Higher Education (CHED) at DOH na payagan nang makapagsilbi bilang vaccinators ang mga fourth year students ng medicine at nursing.
Facebook Comments