Paggamit sa magkaibang brand ng COVID-19 vaccine, mungkahi pa lamang ayon sa pinuno ng Vaccine Experts Panel

Nilinaw ng pinuno ng Vaccine Experts Panel na si Dr. Nina Gloriani na pinag-aaralan pa lang naman ang posibilidad na magkaibang brand ng COVID-19 vaccines ang iturok sa isang indibidwal.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Dr. Gloriani na iminungkahi lamang ito dahil sa kulang pa sa ngayon ang supply ng COVID-19 vaccines sa bansa.

Kasunod nito, hindi rin aniya pwede na gumamit agad ng booster shot para sa pasyenteng isang dose pa lamang ang natatanggap dahil para lamang ito sa nakakumpleto na ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine.


Una kasi rito ay sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na ikinokonsidera ng pamahalaan na bumili ng booster shots ng Moderna na pwedeng gamitin kahit ang unang itinurok ay Sinovac o Sputnik V.

Facebook Comments