Paggamit sa makabagong teknolohiya dapat gamitin sa paglago ng ASEAN Region ayon kay Pangulong Duterte

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng ASEAN Countries na gamitin ang buong benepisyo ng Fourth Industrial Revolution o ang makabagong teknolohiya na magpapalakas sa mamamayan sa buong rehiyon.

Sa plenary intervention ni Pangulong Duterte sa ASEAN Summit ay sinabi ng Pangulo na ang Fourth Industrial Revolution ay magpapabilis ng paglago ng bawat bansa, magbibigay solusyon sa kahirapan at magsisilbing tulay sa socio-economic gaps sa rehiyon.

Sinabi din ni Pangulong Duterte na para makamit ang hangarin na integrated ASEAN ay dapat magtayo pa ng mas resilient na infrastructure ang mga bansa, magkaroon ng sustainable cities at makabago o innovative systems.


Mahalaga din aniyang isulong ang people-to-people connectivity sa rehiyon at dapat pagandahin ang tourist, student at skilled workers mobility para sa pagkakaroon ng one ASEAN Community.

Facebook Comments