Iginiit ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson na hindi sapat ang pahintulot o resolusyon ng Dangerous Drugs Board o DDB para magamit bilang medisina ang Marijuana.
Diin ni Lacson, para mangyari ito ay kailangan munang amyendahan ng Kongreso ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nagbabawal sa paggamit ng Marijuana.
Sa nabanggit na batas ay tinukoy ang Marijuana bilang isang ilegal na droga.
Ginawa ni Lacson ang pahayag kasunod ng report na inaprubahan ng DDB ang paggamit sa marijuana para sa mga may sakit na Epilepsy.
Facebook Comments