Philippine Chinese Association at Chinese General Hospital, nagdonate ng 12,000 pieces na face mask sa San Juan City

91

Nagbigay ng labing dalawang libong pirasong face mask ang Philippine Chinese Association at Chinese General Hospital sa lokal na pamahalaan ng San Juan City.

Ayon Kay San Juan City Mayor Francis Zamora, ang nasabing mask ay para sa mahigit 1,600 niyang mga empleyado ng City hall.


Aniya, ang mga manggagawa ng San Juan City Hall ay ang kanyang mga frontlines na araw-araw humaharap sa mga tao.

Kaya anya kailangan silang maproteksyonan sa kahit anong uri ng sakit , lalo na laban sa coronavirus disease o COVID-19.

Maliban dito, gumawa naman ng 1,731 na mga reusable at washable na mga face ang mga scholar ng livelihood program ng nasabing LGU.

Facebook Comments