Biniberipika na ng pulisya at militar ang paggamit sa mga armadong grupo ng mga kandidato sa May 2022 Elections.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Col. Jean Fajardo, sisiguraduhin ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi magagamit ng sinumang kandidato, incumbent man o bago, ang mga armadong grupo.
Sa ngayon ay marami pa aniyang biniberipikang risk factors ang PNP na posibleng makaapekto sa pagsasagawa ng mapayapang halalan.
Samantala, tiniyak naman ng PNP na bibigyang seguridad nila ang lahat ng kandidato lalo na sa mga lugar na may security concerns.
Facebook Comments