Sinisilip ngayon ng pamahalaan na gawing vaccination sites ang mga pharmacies at drugstores.
Ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 Adviser Dr. Ted Herbosa, nakikipag-usap na sila sa mga pribadong pharmasya at mga botika para magkaroon ng trial sa pagsupply ng bakuna.
Paliwanag ni Herbosa, isa ito sa nakikita nilang solusyon ngayong maraming healthcare workers ang tinatamaan ng COVID-19 at nagkukulang ang mga vaccinators.
Batay sa huling datos ng Department of Health, nasa 58, 765,384 indibdiwal na ang nakatanggap ng kanilang first dose habang 55, 093, 311 na ang fully vaccinated laban sa COVID-19.
Samantala, naghahanda na rin ang Philippine National Police (PNP) para sa crowd control operations sakaling magsimula na ang pagbabakuna sa mga bata hanggang apat na taong gulang.