‘Best version’ ng mga Pilipino, makakamit kapag nahalal bilang pangulo si Sen. Ping Lacson

191

Naniniwala si Senator Ping Lacson na makakamit ng bawat Pilipino ang pinakamahusay na bersyon ng kanilang sarili sakaling siya ang mahalal bilang ika-17 na Pangulo ng Pilipinas.

Ayon kay Partido Reporma Treasurer at Spokesperson Arnel Ty, ang mga katangian ni Lacson at talino ang ilan lamang sa mga dahilan kung bakit siya ang karapat-dapat na susunod na mamuno sa bansa.

Iginiit ni ty na napili ng partido si Lacson para maging standard bearer dahil sa kaniyang makulay na karera sa pulitika at napatunayan na nito ang pagiging isang public servant.


Para kay Ty, si Lacson ay isang lider na mahusay hindi lamang sa pagdedesisyon kundi sa paghahanap ng mga solusyon na isang magandang katangian para sa isang pangulo.

Facebook Comments