Malapit nang maabot ng gobyerno ang target ng pagbabakuna ng AstraZeneca COVID-19 vaccine na nakatakdang ma-expire sa ika-30 ng Hunyo.
Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Myrna Cabotaje, mauubos na ang dose ng AstraZeneca vaccine na gagamitin para sa pagbabakuna.
Habang sinunod din aniya ang ginawang guidelines kung saan kailangang gamitin ang mga bakunang mae-expire na sa katapusan ng buwan.
Nabatid na una nang sinabi ni National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon na 85 percent ng 1.5 milyong AstraZeneca vaccine ang nagamit na bilang first dose ng bakuna.
Hinikayat naman ni Cabotaje ang lahat ng Local Government Units (LGUs) na simulan na ang pagsasagawa ng mobile vaccination para marami pang Pilipino ang mabakunahan.
Habang hinimok din nito ang mga nakatanggap na ng unang dose ng bakuna na magtungo na sa kanilang LGUs para sa second dose.