Paggamit sa PDP-Laban para sa pansariling intres, hindi nararapat

Iginiit ni Senator Manny Pacquiao na bilang pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng bayan o PDP-Laban ay hindi niya hahayaan na gamitin ng sinuman ang partido na stepping stone para sa kanilang personal agenda.

Sinabi ito ni Pacquiao nang siya ay lumahok sa pamamagitan ng telepono sa Zoom meeting ni PDP-Laban Executive Vice Chairperson Senator Koko Pimentel sa kanilang mga miyembro.

Mensahe ito ni Pacquiao kasunod ng nangyaring national assembly ngayong araw ng PDP-Laban sa Pampanga kung saan inihalal ang mga bagong opisyal nito sa pangunguna ni Energy Secretary Alfonso Cusi bilang bagong pangulo ng partido at si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nanguna sa kanilang oath taking.


Nagpasalamat din si Pacquiao sa mga kapartido na patuloy na sumusuporta sa kanya.

Hinikayat ni Pacquiao ang mga miyembro ng PDP-Laban na huwag magpapadala at magpapaloko sa mga gumagamit lang sa partido para sa pansariling interes.

Facebook Comments