Paggamit sa Television at Radio based materials, paiigtingin pa ng DepEd para sa nalalapit na bagong school year

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na paiigtingin pa nila ang paggamit sa television at radio based materials para sa nalalapit na School Year 2021 – 2022.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, hindi naman kasi lahat ng mga mag-aaral ay mayroon access sa internet kung kaya’t hindi nila maaaring bitawan ang paggamit sa TV at Radio.

Nabatid na noong nakaraang school year ay umabot sa 1,107 na video lessons ang nalikha ng DepEd TV habang 320 naman noong second quarter na bahagi ng Most Essential Learning Competencies (MELCS).


Samantala, sinabi naman ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na natuto na sila sa mga naging pagkukulang noong nakaraang school year kung kaya’t mas maayos ngayon ang kalidad ng mga modules.

Facebook Comments