Tiniyak ni Basic Education Committee Chairman Senator Sherwin Gatchalian na babantayan ng Senado ang paggastos sa budget ng Department of Education (DepEd).
Batid ng senador na isa sa mga problema ay mabagal na paggugol ng ahensya sa kanilang pondo lalo’t ito ang may pinakamalaking alokasyon taon-taon kung saan sa 2023 national budget ay 12% ng kabuuang pambansang pondo ay napunta sa DepEd.
Ayon kay Gatchalian, babantayan nilang mabuti ang disbursement sa budget ng DepEd upang hindi masayang ang inilaang pondo sa ahensya.
Magbibigay rin ang mga mambabatas ng suhestyon kung paano magagastos nang mabuti at wasto ng ahensya ang kanilang budget sa susunod na taon.
Sa taong 2023, P678 billion ang kabuuang budget ng DepEd kasama rito ang confidential fund na nasa P30 million.