Mga nakaimbak na armas ng NPA, narekober sa Matnog, Sorsogon

Narekober ng mga tropa ng 22nd Infantry Battalion, ang mga nakaimbak na armas ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Hidhid, Matnog Sorsogon nitong Sabado.

Ayon kay 22IB Commanding Officer Lt. Col. Allan Mangaser, isang residente sa lugar ang nagbigay ng impormasyon sa militar tungkol sa hideout ng NPA sa lugar.

Kabilang sa mga nahukay na armas ng mga rumespondeng tropa ang: dalawang caliber 38 pistol, siyam na improvised explosive devices, at humigit kumulang 250 samu’t saring mga bala.


Kasunod nito, patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa natitira pang mga rebelde na sumuko at magbalik loob na sa pamahalaan.

Facebook Comments