Lumabas sa oversight hearing ng House Committee on Appropriations na mabagal ang paggastos ng Department of Information and Communications Technology o DICT sa pondo nito.
Ito ang nakikitang dahilan ni Committee Chairman at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co kaya mabagal din ang pag-usad ng mga programa ng DICT tulad ng mga proyektong magbibigay ng mabilis at libreng internet sa mamamayan.
Giit ni Co, kailangang bilisan ng DICT ang fund utilization dahil dito nakasalalay ang pagsasakatuparan ng campaign promise ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na digitization sa pamahalaan.
Ang digitization ay inaasahang magpapabilis sa sistema o mga proseso sa gobyerno.
Pero punto ni Co, paano itong maisasagawa kung ang DICT na dapat ehemplo ng mabilis na aksyon sa mga ahensyan ng gobyerno ay napakabagal kumilos.