Paggastos ng pamahalaan sa bilyun-bilyong utang na pantugon sa COVID-19 pandemic, bubusisiin ng Senado

790

Asahan ang pagbusisi ng Senado kung paano ginamit ng pamahalaan ang pantugon sa COVID-19 crisis ang inutang na ayon sa Department of Finance ay umaabot na sa mahigit ‪7.7 billion dollars o mahigit 386 billion pesos nitong July 1, 2020.‬

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, uunahin nila itong uusisain sa pagdinig ng Senado para sa panukalang pambansang budget sa taong 2021.


‪Sinabi ni Drilon, dapat maghanda ang mga miyembro ng gabinete ng report hinggil dito sa kanilang pagharap sa budget hearing.‬

‪Binanggit pa ni Drilon na may batas na nag-uutos sa mga taga-ehekutibo na magreport ukol sa pag-utang ng pamahalaan sa loob at labas ng bansa.‬

‪Nilinaw naman ni Drilon na suportado niya ang pag-utang ng bansa ngayong may pandemya dahil batid niya na kinakapos na ang pondo ng gobyerno bunga ng bumabang koleksyon ng buwis.‬

Facebook Comments