2020 Miss World Philippines, tuloy na tuloy na sa Nobyembre

Tiniyak ni Miss World 2013 Megan Young na tuloy na tuloy na ang 2020 Miss World Philippines sa darating na Nobyembre.

Sa kabila nito, aminado si Megan na hindi pa niya alam kung paano gagawin ang pageant dahil ipinagbabawal pa rin ang mga public gatherings dulot ng COVID-19 pandemic.

Una nang sinabi ni Miss World-Philippines National Director Arnold Vegafria, na itutuloy pa rin nila ang taunang beauty pageants dahil kailangan makapili ng kandidata para sa iba’t ibang international beauty competitions.


Nabatid na sabay-sabay makokoronahan sa iisang event ang mga bagong Miss World Philippines, Miss Eco-International, Miss Eco-Teen, Reina Hispanoamericana, Miss Multinational, at Miss Tourism sa ikalawang linggo ng Nobyembre.

Facebook Comments