PAGGAWA NG SARILING PATABA NG MGA MAGSASAKA SA MANGALDAN, ILULUNSAD PARA MAPABABA ANG GASTOS SA ABONO

Sumailalim sa pagsasanay ang ilang magsasaka sa Mangaldan upang pangasiwaan ang paggamit ng mga bagong composting tools mula sa Department of Agriculture–Bureau of Soils and Water Management, na tutulong sa paggawa ng sariling pataba ng mga lokal na magsasaka sa bayan.

Itinuro sa mga benepisyaryo ang tamang paggamit at demonstrasyon ng donasyong shredding machine, dalawang vermicompost tea brewers, at 15 kilo ng African night crawlers na may kakayahang durugin ang mga tuyong dahon at ibang tira-tirang pananim, at gumawa ng “compost tea” upang maging hitik sa nutrisyon na likidong pataba.

Pinondohan ang mga kagamitan sa ilalim ng National Organic Agriculture Program (NOAP) at High-Value Crops Development Program (HVCDP), na layuning isulong ang sustenable at organikong pagsasaka sa bayan.

Sa pamamagitan nito, target ng lokal na pamahalaan na makapagtatag ng Small-Scale Composting Facility upang makalikha ng sariling pataba ang mga magsasaka at mabawasan ang gastusin sa pagbili ng abono.

Nais din mabawasan ang pagdepende ng mga magsasaka sa mamahaling kemikal na abono upang madaling panatiliin at gawing abot-kamay sa mga magsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments