Paggiba sa Brgy. Hall sa Maynila, malaki umano ang epekto sa seguridad ng mga estudyante

Manila, Philippines – Naniniwala si Brgy. Chairman Edmund Gumogda na nasa delikadong sitwasyon ngayon ang kabataang estudyante sa isang bahagi ng University Belt sa lungsod ng Maynila.

Ito ay dahil sa kautusan ng MMDA na gibain ang Brgy. Hall ng ng Brgy. 641 Zone 66 at Brgy. 643 na sakop ng District 6 ng lungsod.

Ayon kay Chairman Gumogda ng nasabing Brgy. dahil sa kautusan ay napilitan silang gibain ang kanilang Brgy. Hall na nag resulta naman sa pag kakatanggal ng mga CCTV cameras na sana ay pwede gamitin sa oras ng krimen at magamit sa pag protekta sa publiko na dumaraan sa kanilang Brgy. kung saan karamihan sa mga ito ay pawang mga estudyante.


Giit ni Gumogda ay problemado ang kanilang Brgy. kung saan sila lilipat ng opisina para magpatuloy ang kanilang operasyon .

Facebook Comments