Manila, Philippines – Nabigo ang mga mahistrado ng Korte Suprema na
pagbotohan at pagdesisyunan ang usapin hinggil sa pagpapaggiba sa
kontrobersyal na Torre De Manila na tinaguriang pambansang photo bomber sa
monumento ni Gat Jose Rizal
Sa en banc session ng mga mahistrado, hindi naisama sa deliberasyon ang
tungkol sa kaso ng Torre De Manila.
Dahil dito muling pagbobotohan at isasama sa mga tatalakaying usapin sa
kanilang summer session sa Baguio City sa April 25.
Matatandaang hiniling ng Knights of Rizal sa Kataas Taasang Hukuman nuong
2014 na gibain ang Torre De Manila na nakakasira ng site line ng Rizal
Monument sa Luneta Park na mahalagang landmark sa bansa.
Natigil naman ang konstruksyon ng Torre De Manila nuong 2015 matapos
magpalabas ang Korte Suprema ng TRO.
Respondent sa kaso ang DMCI Homes na developer ng Torre De Manila,
pamahalaang lungsod ng Maynila, National Commission on Culture & Arts,
National Museum at National Historical Commission of the Philippines.
Nation”