Pinabibilisan ng Department of Budget and Management o DBM sa mga ahensya ng pamahalaan ang pagre-release ng pondo para sa kanilang mga programa at proyekto.
Ito ay matapos maitala ng DBM ang 90% utilization rate ng mga government agencies mula buwan ng Enero o hanggang Abril ngayong taon.
Ang 90% ito ay katumbas ng ₱1.75 trilyong Notices of Cash Allocations o NCAs sa loob ng apat na buwan.
Ang NCAs ay ang cash authority documents na inisyu ng DBM sa mga account ng agencies o operating units sa pamamagitan ng mga government servicing banks na cash requirements ng mga ahensya para sa kanilang programa at proyekto.
Ayon DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang national budget ay lifeblood ng lahat ng programa at proyekto ng pamahalaan, kung mas mabilis aniyang maire-release ang pondo mas mabilis rin ang pagbili ng mga kakailanganin at pagpapatupad ng mga proyekto.
Kaya paalala ng kalihim sa government agencies na iwasan ang underspending dahil nais nilang ilagay ang pondo sa mga departamento na kayang magpatupad ng mga programa.
Hanggang April 30, 2023, umabot na sa P2.982 trillion o 94.8 percent ang kabuuang pondo nai-release sa iba’t ibang national government agencies.